DUMEPENSA | Magdalo at CPP, itinangging nagsasabwatan sila para mapatalsik si PRRD

236

Manila, Philippines – Kapwa itinanggi ng Magdalo group at ni Communist Party of the Philippines Founding Chairman Joma Sison na nagsasabwatan sila para patalsikin si Pangulong Rodrigo Duterte.

Ito ay makaraang sabihin ng Pangulo na si Sison at Magdalo ang nasa likod ng ouster plot laban sa kanya.

Sabi ni Magdalo Representative Gary Alejano, hindi totoong nakikipagsabwatan sila sa mga komunista.

Habang sa isang statement, sinabi ni Sison na mukang nag-aalala at desperado na si Duterte para maisip na masisibak na siya sa Oktubre.

Aniya, kailanman ay walang usapan sa pagitan niya at ni Senator Antonio Trillanes o ng Liberal Party kaugnay ng planong destabilisasyon pero hindi raw niya itatanggi ang pagnanais niyang magkaisa ang milyun-milyong mga Pilipino para pabagsakin si Duterte.
Hamon pa niya sa Pangulo, ipakita sa publiko ang sinasabi nitong recorded conversation nila ng Magdalo.

Facebook Comments