CASE CLOSED? | Senator Drilon, kumpyansang hindi babaligtarin ng Supreme Court ang ruling ng Makati RTC pabor kay Senator Trillanes
Manila, Philippines — Kumpyansa si Senate Minority Leader Franklin Drilon na hindi kakatigan ng kataas-taasang hukuman ang anumang petisyon para baligtarin ang desisyon ng Makati Regional Trial Court branch 148 pabor kay Senator Antonio Trillanes IV.
Ayon kay Drilon, alinsunod sa batas at jurisprudence, hindi “trier of facts” ang Supreme Court kaya iginagalang at binibigyan nito ng bigat ang desisyon ng regional trial court na syang tagapagsuri sa tunay na mga ebidensya at testimonya. Katwiran niya, pinagtibay ng korte ang katunayan na nasunod ni Trillanes ang lahat ng requirement para kanyang amnesty application.
Pangunahing punto pa ayon kay Drilon na hind na maaring buksan muli ang kasong kudeta ni Trillanes na ibinasura na ng korte pitong taon ang nakalilipas dahil sa amnestiya na ipinagkaloob sa kanya noong 2011.