Live From The Field

Arestado ang isang drayber matapos makuhanan ng shabu sa isinagawang buy bust operation pasado alas onse kagabi sa brgy. Calaocan, Santiago City.

Kinilala ang suspek na si Romeo Beltran Jr. 41 anyos, may asawa, drayber at residente ng brgy. Calaocan Santiago city.

Nadakip ito matapos mapag alaman ang pagbebenta nito ng iligal na droga kaya’t nagsagawa ng operasyon ang mga otoridad.


Nakabilo naman ang pulis na nagpanggap na buyer ng isang plastic sachet ng pinaniniwalaang shabu kapalit ng limang daang piso na ginamit bilang buy bust money.

Samantala, dati na umano itong surenderee at bumalik sa pagbebenta ng iligal na droga.

Sa ngayon ay mahaharap naman si Beltran sa kasong Paglabag sa RA 9165 o comprehensive dangerous drugs act.

Facebook Comments