Live From The Field

Grade 12 student nabaril ng pulis sa Urdaneta City, kritikal
Tama sa ulo ang natamo ng isang estudyante matapos itong mabaril ng isang pulis sa Urdaneta City, Pangasinan.
Kinilala ang biktima na si Jayson Castro, 18 years old.
Ang suspek naman ay kinilalang si PAT Winrich Vinluan, nakadestino sa Pangasinan PPO.
Ayon sa imbestigasyon ng pulisya na habang nasa labas ang suspek na si Vinluan para magpahangin ay may nakita siyang grupo ng kabataan kabilang ang biktima na nagtatago sa plant box ng dating kapitan.
Dito ay napansin nyang may kahina-hinalang kilos ang mga ito na kalaunan at may hawak pa umanong hand gun.
Napilitang paputukan ni Vinluan ang grupo kung saan nagtamo ng tama ng baril sa ulo ang biktima na agad namang sinugod sa ospital at patuloy inoobserbahan.
Sumuko naman ang suspek maging ang baril na ginamit nito.
Nasa kustodiya na ng PNP ang naturang pulis.

Facebook Comments