Live From The Field

Kalibo, Aklan — Aabot sa P500,000 ang danyos nang masunog ang isang bahay kagabi sa Brgy. Biga a, Malinao, Aklan.
Ang may ari ng bahay ay kinilala na si Eugenia V. Galecia, 78 anyos at residente ng nasabing lugar.
Ayon kay FO1 Ugie Perlas ng BFP- Numancia, nagsimula ang sunog 10:17 ng gabi at naideklarang fire out mga alas 12;17 na ng hatinggabi.
Pagdating nila sa lugar ay malaki na ang apoy kaya tumawag sila ng back up para agad maapula ang apoy.
Sa kanilang paunang imbestigasyon, nagmula umano ang apoy sa maluwag na electrical outlet kung saan may nakasaksak na extension wires sa isang kwarto.
Ang naturang bahay ay gawa sa konkreto at kabilang sa mga natupok ng apoy ay ilang mga appliances, cash at mga alahas na tinatayang umabot lahat ng kalahating milyon.
Tanging ang sasakyan lamang ang naisalba sa nangyaring sunog at maswerteng walang nasugatan sa apat na miyembro ng pamilyang na nasa loob ng bahay.

Facebook Comments