Live-in Partner at 3 iba pa, Timbog sa Pagbebenta ng Iligal na Droga

Cauayan City, Isabela- Arestado ang limang na tulak ng iligal na droga sa magkakahiwalay na operasyon ng pulisya sa lalawigan ng Cagayan ngayong araw, Disyembre 9.

Kinilala ang suspek na si Rommel Ramos, 37-anyos, isang magsasaka at residente ng Brgy. Logac sa bayan ng Lallo.

Nakumpiska kay Ramos ang isang (1) piraso ng pakete ng shabu matapos bentahan ang operatiba na nagpanggap na poseur buyer


Bukod dito, naaresto rin ang maglive-in partner na itinuturing na High Value Target sa ikinasang buy-bust operation sa ilalim ng PRO2 Regional Priority 10 and CPPO’s COPLAN QUEEN.

Kinilala ang dalawang suspek na sina Mayra Fuggaban at partner nito na si Ryan Angelo, kabilang sa Street Level Individual.

Nasamsam sa mga suspek ang isang (1) piraso ng pakete ng shabu maliban pa sa mismong pag-iingat ni Angelo.

Dagdag dito, timbog din ang isang 35-anyos na si Luis Baquiran na residente ng Brgy. 4, Enrile, Cagayan at kabilang sa Street Level Individual.

Nakuha sa pag-iingat nito ang isang plastic sachet ng shabu.

Samantala, isang negosyante ang dinakip sa bisa ng Search Warrant makaraang masamsaman ng 45 na kalibre ng baril at iligal na droga sa kanyang tinutuluyang boarding house.

Kinilala ang suspek na si Dennis Agsibit, 33-anyos at residente ng sa Barangay Visitacion, Sta Ana, Cagayan.

Narekober kay Agsibit ang isang (1) yunit ng caliber 45 pistol na may SN SD 8397 na may lamang mga bala, holster, dalawang (2) live ammo para sa caliber 40, at 3 pakete ng shabu at isang electronic weighing scale, at mga drug paraphernalia

Nahaharap ang limang na suspek sa kasong paglabag sa Dangerous Drugs Act of 2002.

Facebook Comments