Live-in partners, arestado sa buy bust operation sa Taguig City

Nahuli ng mga tauhan ng Pasig City Police Station ang magkarelasyon sa kanilang isinagawang buy bust operation sa Brgy. Pinagsama, Taguig City.

Kinilala ang live-in partners na sina Yolanda Flores, 37 anyos, isang manicurista at Wargil Fallarcuna, 42 anyos.

Sa ulat ng Southern Police District, nakuha sa magkarelasyon ang nasa 14.5 grams na may halagang ₱98,600.


Agad na nai-turn over sa Southern Police District crime laboratory ang narekober na droga habang inahahanda na ang mga dokumento sa pagsasampa ng kaso laban sa magkarelasyong drug suspek.

Facebook Comments