Live streaming ng ballot printing para sa 2022 election, nagsimula na

Sinimulan na ng Commission on Election (COMELEC) ang live streaming ng pag-i-imprenta ng mga balota para sa 2022 election.

Ayon kay COMELEC Spokesperson Dir. James Jimenez, layon ng 24/7 live streaming ng ballot printing at paraphernalias na maipakita sa publiko na transparent at katiwa-tiwala ang proseso ng eleksyon.

Aniya, live na mapapanood ang ballot printing mula na National Printing Office (NPO) sa pamamagitan ng Facebook at YouTube channel ng COMELEC.


Giit ni Jimenez, magtutuloy-tuloy ang live feed hangga’t may iniimprintang balota.

Bukod sa live steaming, naglagay rin ang COMELEC ng observation area sa NPO at sa warehouse sa Sta. Rosa, Laguna.

Facebook Comments