Malabon City – Patay ang isang 12-anyos na batang lalaki matapos aksidenteng makuryente nang madikit sa isang live wire sa Talabahan River sa Malabon City.
Dinala pa sa ospital ng malabon ang grade 2 student subalit idineklara itong dead on arrival ng mga doktor.
Sa imbestigasyon ng Malabon Police Women and Children’s Protection Desk (WCPD), nagkayayaang pumunta ng ilog para maligo ang biktima at ang kanyang dalawang pinsan.
Sumakay sa floating styrofoam ang biktima subalit aksidente itong nahulog sa tubig.
Nang hindi makaahon, nakita ng kanyang kasama ang isang kawad ng kuryente kaya at kanya itong kinuha sa tulong ng mga tambay subalit hindi nila alam na live wire pala ito kung saan dito na nakuryente ang biktima.
Facebook Comments