LIVELIHOOD ASSISTANCE, IPINAMAHAGI SA MGA PWD SA LUNGSOD NG CAUAYAN

Cauayan City – Patuloy ang ginagawang pagpapaabot ng tulong ng pamahalaang lungsod ng Cauayan sa mga Cauayeñong lubos na nangangailangan nito.

Nito lamang araw ng sabado, ika-24 ng Agosto, kasabay ng pagdiriwang ng kaarawan ng Alkalde ng Lungsod ng Cauayan na si Hon. Mayor Jaycee Dy ay namahagi ito ng livelihood assistance sa ilang mga Person With Disability sa lungsod.

Bawat isa sa mga benepisyaryo ay nakatanggap ng tig P5000 na kanilang magagamit upang magsimula ng maliit na negosyo.


Ilan lamang sa mga negosyong nabanggit na kanilang nais simulan ay ang pagtatayo ng Sari-sari Store, pagbebenta ng meryenda, hog raising, at marami pang iba.

Umaasa naman ang lokal na pamahalaan ng lungsod ng Cauayan na magpapalago nila ang negosyo na kanilang sisimulan upang makatulong ito na mapunan ang kanilang mga gastusin sa pang araw-araw.

Facebook Comments