Wednesday, March 18, 2026

LIVELIHOOD ORIENTATION PARA SA MGA KABABAIHANG NAKAPIIT SA DAGUPAN CITY, ISINAGAWA

Nagsagawa ng community outreach ang Philippine Coconut Authority o PCA sa Regions 1, 2 at CAR para sa mga kababaihang deprived of liberty sa BJMP Dagupan City, Pangasinan, kasabay ng selebrasyon ng National Women’s Month.

Layunin ng aktibidad na matulungan ang mga babaeng nakapiit na muling makapagsimula sa pamamagitan ng pagbibigay ng kaalaman sa mga simpleng kabuhayang nakabatay sa niyog na maaari nilang pagkakitaan kahit nasa loob ng pasilidad.

Kabilang sa itinuro ang paggawa ng mga produktong handicraft gaya ng pulseras, kwintas at keychain mula sa bao ng niyog, pati na rin ang paggawa ng fruit vinegar.

Pinangunahan ng mga eksperto mula PCA ang mga demonstrasyon, habang ibinahagi rin ang mga programa para sa women empowerment.

Isinagawa ang aktibidad sa pakikipagtulungan ng BJMP Dagupan sa pangunguna ng City Jail Warden.

Ayon sa PCA, bahagi ito ng kanilang layunin na palakasin ang kakayahan at kasanayan ng mga kababaihan upang maging handa sa kanilang pagbabalik sa lipunan. |𝙞𝙛𝙢𝙣𝙚𝙬𝙨𝙙𝙖𝙜𝙪𝙥𝙖𝙣

Facebook Comments