Livelihood Program, Inilunsad para sa mga PDL’s!

*Ilagan City, Isabela-* Naglunsad ng livelihood programs ang Bureau of Jail Management and Penology (BJMP) Ilagan City para sa mga Persons Deprived of Liberty (PDL) katuwang ang Isabela State University-Ilagan Campus at Technical Education and Skills Development Authority (TESDA).

Ayon kay JO3 Emmerson A. Maddauin, pinopondohan umano ng Inmate Welfare and Development Section (IWDS) ang mga programang isinasagawa nila gaya na lamang ng dress making, at paggawa ng iba’t-ibang palamuti na siyang pinagkakakitaan ng mga PDL’s upang hindi na umano dumipende sa kanilang mga dalaw.

Layunin aniya ito na matulungan ang mga PDL na magkaroon ng trabaho at magkaroon ng kaalaman sa pangkabuhayan kahit na nasa loob ang mga ito sa kulungan.


Samantala, mayroon na aniya silang pondo na mahigit kumulang isang milyong piso mula sa DPWH para sa pagpapalawak sa maliit na espasyo ng kanilang IWD.

Sa kasalukuyan ay may 85 na PDL ang BJMP Ilagan na sumasailalim sa Livelihood Training and Skills Development Program.

Facebook Comments