Manila, Philippines – Sasalang sa training ng Technical Education and Skills Development Authority (TESDA)-Region 5 ang mga apektadong residente ng pag-aalburoto ng bulkang Mayon.
Kabilang dito ang paggawa ng face masks at iba pang mga livelihood program para sa mga evacuees sa Malilipot, Albay.
Ayon kay Mariglo Sese, Regional Operation chief- TESDA Region 5 sa darating na Lunes, January 29 ay sisimulan na ang limang araw na face masks training sa dalawang evacuation na kinabibilangan ng San Francisco Elementary School at Malilipot Elementary School.
Ang 2 nabanggit na paaralan ay ang pansamantalang tinutuluyan ng nasa mahigit 3000 mga bakwit.
Ayon kay Sese pipili ang TESDA ng 25 evacueees sa San Francisco Elementary Schools na siyang sasanayin sa pagagawa ng face masks para sa pansariling gamit ng mga evacuees habang sa Malilipot Elementary School ang Special Training for Employment Program naman ang gagawa tig-50 face masks bawat isa na ibibigay naman sa mga tauhan ng pulis at military sa Camp Ola.