Tiniyak ni mayoral candidate Atty. Alex Lopez na itutulak nito ang pagpapaunlad ng negosyo at hanapbuhay ng mga residente sa lungsod ng Maynila.
Ito ay matapos maapektuhan ang maliliit na negosyante sa paglinis ng mga kalsada at bangketa ng lungsod.
Sa interview ng RMN Manila, sinabi ni Lopez na mas mahalaga ang hanapbuhay ng mga residente kaya dapat balansehin ang kabuhayan at kalinisan sa pamamagitan ng livelihood programs at pagpapautang ng puhunan sa mga local vendors.
Maliban dito ay kailangan din aniyang pasiglahin ang gabi sa ilang mga lugar sa Maynila upang mas marami pang mahikayat na mga mamimili.
Facebook Comments