Livelihood projects para may supply ng pagkain sa loob ng Camp Aguinaldo, sinimulan ng AFP at DA

Apat na livelihood projects ang inilunsad sa Camp Aguinaldo ng Armed Forces of the Philippines (AFP) at Department of Agriculture (DA) na titiyak ng supply ng pagkain sa loob ng kampo.

Ayon Kay AFP Public Affairs Office Chief Navy Capt. Jonathan Zata, pangunahing makikinabang sa mga produkto ng livelihood projects na gulay, manok, itlog, karne ng kuneho at sariwang isda ay ang mga sundalo na nakatira sa loob ng kampo.

Ang proyekto na parte ng “The Urban Agriculture Program” na binansagang ALPAS (Ahon Lahat, Pagkaing Sapat Kontra sa COVID-19) ay nakatakda ring ilunsad sa iba pang mga kampo ng militar na may malawak na lupain, matapos ang “pilot implementation” sa Camp Aguinaldo.


Sinabi ni Zata napapanahon ang paglulunsad ng proyekto dahil magkakaroon ng alternatibong supply ng pagkain ang mga nasa loob ng kampo sa panahong umiiral ang Enhanced Community Quarantine.

Facebook Comments