Muling binuksan ang Livelihood Training Center sa Villasis para sa pagpapataas ng kaalaman at kakayahan ng mga residente na makapaghanap ng trabaho.
Ilan sa mga kursong maaaring pagpilian ng mga residente ang Electrical Installation and Maintenance NCII, Masonry NCII at Solar Installation katuwang ang TESDA.
Inilunsad din ang isang survey na may layunin na matukoy ang mga programa na nais buksan ng publiko upang maging tugma sa pangangailangan ng komunidad.
Nanindigan ang lokal na pamahalaan sa pagpapalakas sa kakayahan ng mga residente upang makapaghanap ng trabaho at magkaroon ng diretsong pangtustos sa pamumuhay.
Noong 2017, nasa 117 residente sa bayan ang nagtapos sa iba’t ibang kurso na nabigyan ng kaukulang sertipiko, tool kits at training allowance.
Ikinatuwa naman ng mga residente ang pagbabalik operasyon ng pasilidad para sa kanilang skills development. |𝙞𝙛𝙢𝙣𝙚𝙬𝙨𝙙𝙖𝙜𝙪𝙥𝙖𝙣









