LIVELIHOOD TRAINING ON BAKING & PASTRY, ISINAGAWA

CAUAYAN CITY – Sumailalim sa Livelihood Training on Baking & Pastry ang ilang miyembro ng pitong Irrigators Associations (IAs) sa ilalim ng Maddela Cluster.

Ang nasabing pagsasanay ay pinangunahan ng Institutional Development ng National Irrigation Administration-Quirino Irrigation Management Office (NIA-QIMO) katuwang ang Quirino State University (QSU)–Cabarroguis campus.

Natutunan ng mga kalahok ang iba’t ibang techniques at skills sa pag-bebake ng mga pastries.


Samantala, layunin ng pagsasanay na mabigyan ng karagdagang pagkakakitaan ang mga kalahok.

Facebook Comments