Para mabigyan muli ng panibagong buhaya ng mga residente ng San Carlos City na nasangkot sa ipinagbabawal na droga, isang livelihood training naman ang sunod na isasagawa ng lokal na pamahalaan para sa mga kababayan nilang nagtapos sa isang buwang proseso ng rehabilitation o in-house program matapos masangkot sa iligal na droga.
Sa in-house program na ito ay itinuro sa mga ito ang iba’t-ibang aspeto ng buhay gaya ng mental, spiritual, at marami pang iba.
Ang nasabing livelihood training naman ay sunod na nais maisagawa matapos ang Send Off ceremony ng mga dumaan sa in-house program nang sa gayon ay magkaroon sila ng panibagong buhay kung saan mayroon silang bagong mga kaalaman at kasanayan na siyang maaari nilang gamitin sa bagong buhay na kanilang tatahakin.
Ang training na ito ay pangungunahan naman ng lokal na pamahalaan ng San Carlos City. |ifmnews
Facebook Comments