LIVELIHOOD TRAINING PROGRAM, INILATAG PARA SA MGA ALS LEARNERS SA BAYAMBANG

Inilunsad ng Lokal na Pamahalaan ng Bayambang ang Project NIÑA o Navigating Ideas, Nurturing Aspirations, isang livelihood skills training program para sa mga mag-aaral ng Alternative Learning System (ALS).

Layon ng programa na palawakin ang kaalaman at kasanayan ng ALS learners upang mabigyan sila ng mas magandang oportunidad sa paghahanapbuhay.

Binibigyang-diin ng proyekto ang karampatang pagsasanay mahubog ang kakayahan ng mga mag-aaral na makatutulong sa paghahanap-buhay.

Sa tatlong araw na pagsasanay, tinuruan ang mga kalahok ng paggawa ng mga produktong maaaring pagkakitaan gaya ng handicrafts at pagkain.

Kabilang dito paggawa ng liquid detergent, pamunas, mga pagkain tulad ng kimchi at bangus deboning kabilang ang talakayan ukol sa financial literacy at marketing strategy.

Ang proyekto ay inaasahang magbibigay-daan sa mas mataas na kumpiyansa at kakayahan ng ALS learners upang makamit ang hangaring umunlad at mas maging produktibo.

Facebook Comments