LIVESTOCK AND POULTRY PRODUCTION PROGRAM, IPAPATUPAD NA SA LALAWIGAN NG PANGASINAN

Maipapatupad na ang Livestock and Poultry Production Program sa lalawigan ng Pangasinan matapos itong pumasa sa isang session ng Sangguniang Panlalawigan (SP).
Layon nitong matulungan ang mga magsasaka sa lalawigan sa pamamagitan ng pagbibigay ng ‘soft loan’ na kanilang maidadagdag nilang pamuhunan at pagkakakitaan.
Makatutulong din ito sa pagpapalakas ng food security na siyang tututok sa produksyon ng mga pangunahing produkto o pagkain sa probinsya nang matugunan ang pangangailangan ng mga Pangasinense.

Samantala, ayon kay Dr. Robeniol, ang kasalukuyang officer-in-charge ng Office of the Provincial Veterinary (OPVet), sa ilalim ng programa, ang mga alagang hayop ay manggagaling sa tatlong Provincial Breeding Stations na matatagpuan sa bayan ng Dasol, Mangatarem at San Quintin. |ifmnews
Facebook Comments