Living wage, family planning program, food security at pabahay isinusulong ng POPCOM sa administrasyong Marcos

Isusulong ng Population Commission (POPCOM) sa Administrasyong Marcos ang ilang population development issues.

Sa Laging Handa public press briefing sinabi ni POPCOM Usec. Juan Antonio Perez na pangunahin na rito ang pagkakaroon ng living wage para sa mga manggagawang Pilipino.

Ayon kay Perez masyadong mababa ang minimum wage ngayon na nasa ₱570 para sa pangangailangan ng pamilyang Pilipino.


Aniya, mahalagang magkaroon ng maraming epektibong manggagawa singdami ng consumers para maging maayos ang sitwasyon ng mga pamilya o ang tinatawag nilang support ratio.

Maliban sa living wages, inirekomenda rin ni Perez sa administrasyong Marcos na panatilihin ang malakas na family planning program.

Kailangan ding simulan ang mga patakarang makapagpapalakas ng food security, tutukan ang isyu ng pabahay o housing para sa mga pamilyang Pilipino.

Facebook Comments