Liz Uy, ayaw pag-usapan ang isyu tungkol sa kanyang baby

Hindi pa raw ready ang celebrity stylist na si Liz Uy na pag-usapan ang
tungkol sa kanyang anak na si Baby Xavi.

Ito’y matapos niyang kumpirmahan sa publiko ang pagiging ganap na isang ina.

Aniya, bagama’t ipinost niya ang larawan nilang mag-ina sa instagram ay
hindi naman raw niya obligasyon sagutin ang mga detalye tungkol dito.


Wala ring kumpirmasyon mula kay Liz kung totoo ang bali-balitang isang
pamilyadong negosyante raw ang ama ng kanyang anak.

Facebook Comments