Liza may pangako sa relasyon nila ni Enrique; Katy Perry, Orlando Bloom, engaged na!

Nangako ang aktres na si Liza Soberano sa kanyang lolo at lola na magiging responsable siya sa relasyon nila ng aktor na si Enrique Gil.

Ayon kay Liza, hindi pa siya sigurado kung alam na ng kanyang lolo Jeff at lola Divina Soberano ang relasyon nila ni Enrique matapos ang kanilang pag-amin.

Alam rin raw niya ang kanyang limitasyon pagdating sa relasyon nila ni Enrique.


Samantala, kapwa kinumpirma ng singer na si Katy Perry at actor na si Orlando Bloom sa kanilang magkahiwalay ng Instagram account na engage na sila.

Si Katy at Orlando ay nagsimula sa kanilang dating relationship noong 2016.

Ang dalawa ay parehong ikinasal na sa magkaibang tao noon.

Si Katy ay kasal sa komedyanteng si Russel Brand at naghiwalay noong 2012.

Si Bloom naman ay kasal sa Australian supermodel na si Miranda Kerr noong 2010 at naghiwalay noong 2013.

Facebook Comments