Liza Soberano, isa sa pinagpipiliang gaganap na Darna

Manila, Philippines – Kinumpirma ng manager ni Liza Soberano na si Ogie Diaz Na isa si Liza sa mga pinagpipiliang gaganap na Darna sa ilalim ng direksyon ni Erik Matti.

Tatanggapin naman daw nila ang offer kung si Liza na talaga ang mapipiling darna.

Matatandaang naging mainit ang usapin tungkol sa kung sino ang gaganap na susunod na darna matapos opisyal na inanunsyo ni Angel Locsin na hindi na siya ang gaganap dahil sa kanyang kalusugan.


Ilan pa sa mga pangalang umusbong naposibleng maging sunod na Darna ay sina Jessy Mendiola, Nadine Lustre, at Pia Wurtzbach.

Facebook Comments