Liza Soberano, naging emosyonal sa pag-eensayo niya bilang beauty queen

Manila, Philippines – Inamin ng aktres na si Liza Soberano na naging emosyonal siya habang ginagawa ang kayang pag-eensayo bilang beauty queen.

Ito ay dahil gagampanan ni Liza ang kwento ng buhay ni Miss Universe 2015 Pia Wurtzbach sa drama antology na Maalaala Mo Kaya sa Kapamilya Network na ipapalabas na mamayang gabi.

Ayon kay Liza, inamin niya kay Pia na hindi siya ganoon ka-confident katulad ng naturang beauty queen.


Dagdag pa ni Liza, sa kabila ng kanyang pag-amin kay Pia na nahihirapan siya sa pag-eensayo sa kanyang role bilang beauty queen ay todo-suporta pa rin si Pia sa kanya.

Sinagot na rin ni Liza ang tanong ng kanyang mga fans kung posible ba niyang pasukin ang mundo ng pageant, at ayon sa kanya hindi niya pa kaya.

Samantala, matatandaang naging kontrobersyal ang naging panalo ni Pia Wutzbach matapos magkamali ng anunsiyo ng winner ang batikang host at comedian na si Steve Harvey.

Samantala*,* bumita ang singer na si Ariana Grande sa mga batang biktima ng Manchester Bombing, at nabatid na magkakaroon ito ng benefit concert sa linggo sa Machester.

Ayon kay Ariana, ang naturang benefit concert ay para sa patuloy na pagpapagot ng mga biktima, at para na rin sa mga pamilya ng mga nasawi sa pagsabog.

Inamin ni Ariana higit pa rin ang kanyang pagkalungkot matapos ang insidente na ikinasawi ng 22 katao.

DZXL558

Facebook Comments