Liza Soberano, sinagot ang mensahe ng Thailand-based actor na kamukha niya

48

Sinagot na ni Liza Soberano ang mensahe sa kanya ng Thailand-based actor na si Luke Plowden.

Sa tweet ni Liza kay Luke, sinang-ayunan nito ang obserbasyon ni Luke na magkamukha nga sila.


Kalakip ng laughing at wave emojis, sabi ni Liza kay Luke, “Hello long lost brother!”

Una nang nakaagaw pansin ang tweet ni Luke kung saan direkta niyang tinag si Liza.

Nais iparating ni Luke na marami siyang natatanggap na tweets mula sa Filipino netizens na nagsasabing siya raw ang “male version” ni Liza.

Si Luke ay aktor sa Thailand na may lahing Japanese-American.




Facebook Comments