Manila, Philippines – Pinakilig na naman ng Lizquen ang kanilang mga fans matapos ibahagi ni Enrique Gil ang sweet photo nila ng Liza Soberano.
Kalakip ng larawan ang sweet na sweet ding birthday message ng aktor kay Liza kung saan tinawag niyang “my forever” ang aktres.
Pangako pa ni Enrique kay Liza, pasasayahin niya ito habang buhay at sa huling bahagi ng caption ang katagang “I Love You” na lalo pang nagpakilig sa kanilang fans.
Sa Hollywood, pangungunahan ng American singer na si Lady Gaga ang pagtatanghal sa taunang Grammy Awards sa January 28.
Kabilang din sa magpe-perform ay ang psychedelic rapper na si Childish Gambino na nominado sa Album of the Year at record of the Year gayundin ang pop singer na si Pink at Quartet Little Big Town.
Facebook Comments