LizQuen, na-ispatang nagde-date sa Tagaytay

Showbiz – Kilig to the max ang mga fans ng onscreen love team na sina Enrique Gil at Liza Soberano matapos silang ma-ispatang nagde-date sa isang sosyal na restaurant sa Tagaytay.

Katunayan, nag-viral rin sa instagram ang picture ng kanilang dinner date na ipinost mismo ni Liza.

Hinala tuloy ng ilang netizens, nag-celebrate ng kanilang anniversary ang dalawa lalo’t suki na raw ng mga artistang nagdidiwang ng kanilang monthsary o anniversary ang nasabing resto.


Kahit ang mga kapwa nila celebrity, hindi rin naiwasang kiligin at magcomment sa kanilang IG post.

Hanggang ngayon tikom pa rin ang bibig nina Enrique at Liza sa totoong estado ng kanilang relasyon.

Facebook Comments