LJ Moreno, nakiuso ngayong quarantine; pang-apat na anak nila ni Jimmy Alapag, ipinagbubuntis!

193

Masayang ibinalita ng aktres na si LJ Moreno at asawa nitong si dating Gilas Pilipinas Captain Jimmy Alapag ang pagdating ng pang-apat na miyembro ng kanilang pamilya.


Sa kanilang vlog, ipinakita ng mag-asawa ang reaksyon ng buong pamilya nang malaman na buntis si LJ.

Sa video, agad na nagwala sa tuwa ang kanilang mga anak na sina Ian at Keona nang makita na positive ang resulta ng pregnancy test ng aktres.

Say ni LJ, hindi niya inasahan ang pagdating na blessing lalo na’t sinabi nito na hindi siya makikiuso ngayong quarantine.

Pero, masaya pa rin aniya ito dahil natupad ang wish ni Keona na magkaroon ng little brother o sister.

Ayon naman sa PBA star, kaya pala number 4 ang kanyang Gilas number dahil paparating na ang kanilang pang-apat na anak.

Facebook Comments