LRT- 1 Cavite Extension, bubuksan na sa publiko sa Oktubre; pasahe walang pagtaas

Sisimulan na ng pamahalaan ang partial operation ng LRT – 1 Cavite extension sa darating na Oktubre.

Sa Bagong Pilipinas Ngayon, sinabi ni Department of Transportation (DOTr) Executive Assistant for the Secretary Jonathan Gesmundo, partikular na bubuksan ang limang dagdag na istasyon hanggang Dr. Santos Avenue Station sa may Sucat, Parañaque City.

Ayon kay Gesmundo, tinatayang nasa 300,000 na mga pasahero araw-araw ang makikinabang sa LRT-1 Cavite Extension project.


Bukod dito, magiging karugtong na rin aniya ng LRT- 1 Extension ang Parañaque Integrated Terminal Exchange (PITX) at Ninoy Aquino International Airport (NAIA) para pagbaba ng istasyon ay mayroon na ring masasakyang mga bus patungo sa iba’t ibang lalawigan.

Sinabi rin ni Gesmundo na mananatili sa kasalukyang rates ang magiging pamasahe sa extension ng LRT-1.

Facebook Comments