Cauayan City, Isabela – Naghain ng isang resolusyon para sa mga estudyante ng Isabela na nasa kolehiyo si Faustino “Inno” Dy V, ang National President ng Liga ng Mga Barangay at LMB Federation President ng Isabela.
Sa panayam ng RMN Cauayan kay ginoong Romy Santos, media consultant ng Pamahalaang Panlalawigan ng Isabela na ang resolusyon umano na inihain ni LMB President Inno Dy ay naglalayong mabigyan ng pagkakataon ang mga estudyante ng Isabela na makapasok o makapag-aral sa kahit saang unibersidad sa bansa at makakatanggap parin ng allowance na tatlong libong piso kada semester.
Matatandaan na lahat ng mga estudyante sa buong bansa na pumapasok sa mga state colleges and university ay libre na ang kanilang matrikula kung saan ang provincial government naman ng Isabela ay naglaan ng tatlong libong piso na allowance para sa mga estudyante na nasa state university and colleges sa probinsya lamang ng Isabela.
Aniya kung dati ay hindi maaring mabigyan ng nasabing allowance ang sinumang estudyante sa kolehiyo na pumasok o nag-aaral sa labas ng Isabela, ngunit sa ngayon ay pinalawig na ito base rin sa naging susog na inihain ni LMB National President Inno Dy V sa kanyang kauna-unahang pagdalo sa regular session, na bilang Ex Officio Member ng Sangguniang Panlalawigan ng Isabela.