LOA raket sa BIR, paiimbestigahan ng Palasyo

Iginiit ng Malacañang na dapat silipin at busisiin ang ulat na umano’y 70% ng Letter of Authority (LOA) ng Bureau of Internal Revenue (BIR) ay nauuwi sa korapsyon, at 30% lang ang aktuwal na naire-remit sa ahensya.

Ayon kay Palace Press Officer at PCO Usec. Atty. Claire Castro, hindi dapat palampasin ang alegasyon na unang inilabas ni Sen. JV Ejercito.

Dagdag ni Castro, kahit hindi flood control o ibang proyekto ang sangkot, anumang isyu ng katiwalian ay dapat imbestigahan.

Hindi naman kinumpirma ng Palasyo kung may kaugnayan sa alegasyon ang biglaang pag-alis sa puwesto ni dating BIR Commissioner Romeo Lumagui Jr.

Facebook Comments