Pinirmahan ng Pilipinas at chIna ang Loan Agreement na aabot sa 220 Million Dollars na halaga ng proyekto ng Philippine National Railways sa South Luzon.
Ang proyekto ay bahagi ng “Build Build Build” Program ng Administrasyon na mag-uugnay sa Metro Manila hanggang Legazpi, Albay; Legazpi hanggang Matnog, Sorsogon at Calamba, Laguna Patungong Batangas.
Sinaksihan nina Finance Secretary Carlos Dominguez III at export-import bank of China Vice President Xie Ping ang ginawang pagpirma sa Loan Agreement nina Pangulong Rodrigo Duterte at Chinese President Xi Jinping sa Diaoyutai State Guest House.
Tiniyak naman ng DOF na malaki ang maitutulong nito sa Economic and Social Development ng bansa.
Facebook Comments