Loan at Technical Assistance Program sa mga kabataang magsasaka, sinimulan na ng DA

Sinimulan na ng Department of Agriculture (DA) ang loan at technical assistance program sa mga kabataang magsasaka na mayroong potensiyal sa industriya.

Ayon kay Agriculture Sec. Willian Dar, sa ilalim ng Agricultural Credit and Policy Council’s Kapital Access for Young Agripreneurs (KAYA) Loan Program, mabibigyan ng pagkakataon ang mga kabataan na magtagumpay sa nasabing industriya.

Tinatarget ng programa ang mga kabataang edad 18 hanggang 30 kung saan maaari silang humiram hanggang 500,000 pesos na walang interes at kolateral na babayaran sa loob ng limang taon.


Facebook Comments