LOAN RESTRUCTURING PROGRAM | Mga miyembro ng SSS na matagal nang nagtatago dahil sa utang sa ahensya, dumagsa para maka-avail ng LRP

Manila, Philippines – Dagsa na ang mga miyembro ng Social Security System na gustong bumalik sa ahensya matapos ang matagal na panahon na pagtatago dahil sa hindi nababayarang utang.

Simula noong April 2, napuno ang mga tanggapan ng ahensiya sa buong bansa para mag-avail sa Loan Restructuring Program o LRP na may penalty condonation.

Tatakbo ito ng anim na buwan na magtatapos sa October 1.


Ayon kay SSS President at Chief Executive Officer Emmanuel Dooc, sa ilalim ng LRP, maaaring bayaran ng buo o hulugan ang prinsipal na utang kasama ang interes sa ilalim ng isang restructured term na naaayon sa kapasidad ng miyembro.

Nasa 25,000 ang target na tumugon sa Loan Restructuring Program at inaasahan na makalikom ang ahensya ng 1.2 billion sa condonation scheme.

Sa mga gustong mag-avail sa LRP, kailangan isumite lamang ang kinakailangang requirement tulad ng LRP application form na maaaring nang i-download sa SSS website na www.sss.gov.ph kasama ang dalawang valid na identification cards at affidavit of residency.

Kasabay nito, binalaan ng SSS ang mga delinquent employers na maari silang makulong dahil kasong kriminal ang hindi mag-remit ng contribution ng kanilang mga empleyado.

Facebook Comments