Local absentee voting, hindi na palalawigin ng Comelec

Manila, Philippines – Hindi na palalawigin ng Comelec ang Local Absentee Voting (LAV) sa bansa.

Sakop nito ang  mga kawani ng PNP, AFP at media.

Mamayang alas singko ng hapon magtatapos ang tatlong araw na Local Absentee Voting o LAV.


Nagsimula ang Local Absentee Voting noong Lunes dakong alas otso ng umaga.

Samantala, kinunpirma ni Comelec Commissioner Rowena Guanzon na sa pagpapatuloy ng Overseas Absentee Voting (OAV), ang Kuwait ang may pinakamarami ng Pilipinong bumoto sa Embahada ng Pilipinas.

Umaabot na aniya sa 8,000 ang mga lumahok sa Overseas Absentee Voting (OAV) doon at karamihan sa mga bumoto ay mga kababaihan.

Facebook Comments