Itinakda na ng Commission on Elections (COMELEC) sa Abril 27 hanggang 29, 2022 ang Local Absentee Voting (LAV).
Kabilang dito ang mga government official at mga empleyado, militar, at police personnel maging sa media workers.
Batay sa COMELEC Resolution 10725, pinapayagan na maka-avail ng Local Absentee Voting ang lahat ng government employees at officials, miyembro ng Philippine National Police (PNP) at Armed Forces of the Philippines (AFP), maging ang media workers kasama na ang photojournalists, documentary makers, technical at support staff, bloggers, at freelance journalists.
Maaari silang bumoto sa Abril 27 hanggang 29, 2022 mula 8 a.m. hanggang 5 p.m.
Samantala, makaboboto naman ang media sa COMELEC office kung saan sila naghain ng LAV.
Facebook Comments