Local absentee voting, umarangkada na ngayong araw

Umarangkada na ngayong araw ang Local Absentee Voting (LAV).

Gaganapin ang LAV mula Abril 29 hanggang Mayo 1.

Para ito sa mga sundalo at pulis maging sa mga miyembro ng media na nakapagparehistro para sa LAV.


Ayon kay Comelec spokesperson James Jimenez, naipadala na ang mga balotang gagamitin sa mga pagdadausan ng LAV.

Kabilang dito ang kampo ng militar at tanggapan ng gobyerno.

Sa LAV, tanging mga posisyon lamang sa pagkasenador at partylist lamang ang maaaring iboto.

Facebook Comments