Nag-anunsyo ang local air carriers ng pagbaba sa pasahe sa eroplano simula sa susunod na buwan.
Ito ay matapos ibaba ng Civil Aeronautics Board (CAB) sa level 7 ang fuel surcharge nitong Enero.
Ayon kay Cebu Pacific Chief Commercial Officer Xander Lao, makakatulong ang nasabing development sa pagtugon sa mataas na demand sa air travel.
Inihayag naman ni AirAsia Philippines Spokesman Carlo Carongoy na malaking tulong ito para maiwasan ang pagkalugi ng airlines sa harap ng paghina ng piso at sa pagtaas ng halaga ng aviation fuel.
Sa panig naman ng Philippine Airlines, sinabi ni PAL Spokesman Cielo Villaluna na sa pagbaba ng pamasahe sa eroplano, magkakaroon ng tiyansa ang mas maraming pasahero para makapag-explore sa iba’t ibang lugar.
Sa harap ito ng pagbubukas nila ng mga ruta.