Tiniyak ng local air carriers ang magiging pagbaba ng pamasahe sa eroplano sa Hulyo.
Kasunod ito ng anunsyo ng Civil Aeronautics Board (CAB) na pagbaba ng fuel surcharge sa Level 5 mula Level 6.
Ayon sa AirAsia Philippines at Cebu Pacific, bunga nito ay magkakaroon ng bawas na ₱151.00 hanggang ₱542.00 sa pamasahe sa eroplano sa domestic flights.
Habang papalo naman ng ₱498.03 hanggang ₱3,703.11 ang pamasahe sa international flights, depende sa destinasyon o ruta.
Bukod pa anila ito sa promo na kanilang pinatutupad sa mga pasaherong magbo-book online sa kanilang app.
Facebook Comments