Patuloy ang paaalala ng tatlong local air carrier partikular na ang Air Asia, Cebu Pacific at Philippine airlines sa mga pasahero nito na maglaan ng sapat na oras para sa kanilang flight schedule sa mga probinsya para doon gunitain ang Undas.
Ayon sa mga local airline, inaasahan kasi ang volume ng mga pasahero sa mga terminals ng Ninoy Aquino international Airport (NAIA) pauwi sa mga lalawigan kasabay ng paggunita ng All Saints Day at All Soul’s Day.
Nag-a-update din umano ang local airlines sa kanilang Facebook page upang malaman ng mga pasahero ang operasyon at bigyang daan na makapaghanda sila ng maaga.
Samantala, inaasahan naman ng mga paliparan na dadagsain na naman ang mga terminal para sa mga mag-uuwian sa November 6.
Facebook Comments