
Tiniyak ng local airlines na may sapat silang ground personnel sa harap ng pagdagsa ng mga pasahero sa Ninoy Aquino International Airport (NAIA) terminals.
Layon nito na mapabilis ang pagproseso sa mga papaalis na pasahero.
Kinumpirma naman ng AirAsia Philippines, Cebu Pacific at Philippine Airlines na noon pang nakalipas na linggo ay nagsimula nang dumagsa ang mga pasahero sa NAIA terminal.
Patuloy din anila ang kanilang pakikipag-ugnayan sa airport authorities para sa maayos na operasyon.
Pinapayuhan naman ng local airlines ang mga pasahero na mag-check in online bago magtungo sa paliparan para mas mapabilis ang proseso ng kanilang paglipad.
Facebook Comments









