Local airlines,inalerto na ng CAAP kaugnay ng bagyong Tisoy

Pinulong na ng Civil Aviation Authority of the Philippines (CAAP) ang local air operators bilang paghahanda sa posibleng epekto ng bagyong Tisoy.

Inatasan na rin ng CAAP ang local airlines na i-activate ang kani-kanilang Airline Operations Disruption Management Manual.

Pinatitiyak din ng CAAP sa local air operators na nasa lugar at activated ang proactive paramaters nila para sa posibleng flight disruptions tulad ng suspensions, cancellations at rescheduling para mabilis ang pag-abiso sa mga pasahero upang hindi na sila makapunta ng paliparan.


Samantala, naka-alerto na rin ang CAAP operation center sa mga lugar na maaapektuhan ng bagyo partikular ang mga baterya,generators, emergency supplies at ang koordinasyon sa local NDRRMC Office.

Samantala, narito ang mga kanseladong flights ngayong araw kaugnay ng bagyong Tisoy.

NAIA Terminal 2

(2P) PAL Express

2P 2921/2922 Manila-Legazpi-Manila

 

NAIA Terminal 3

(2P) PAL Express

2P 2981/2982 Manila-Tacloban-Manila

2P 2985/2986 Manila-Tacloban-Manila

*2P 2987/2988 Manila-Tacloban-Manila

 

(5J) Cebu Pacific

5J821/822 Manila-Virac-Manila

5J325/326 Manila-Legazpi-Manila

5J327/328 Manila-Legazpi-Manila

5J659/660 Manila-Tacloban-Manila

5J653/654 Manila-Tacloban-Manila

5J657/658 Manila-Tacloban-Manila

 

NAIA Terminal 4

(DG) Cebgo

DG6177/6178 Manila-Masbate-Manila

DG6117/6118 Manila-Naga-Manila

DG6195/6196 Manila-Legazpi-Manila

*DG6009/6010 Manila-Basco-Manila

Facebook Comments