
Nagtipon ang mga lokal artists sa Tondaligan Ferdinand Beach noong Pebrero 20 bilang bahagi ng pagdiriwang ng National Arts Month sa Dagupan.
Naging makulay ang pagtitipon sa isinagawang art gathering kung saan tampok ang “Art Tambay w Mang Paco” at “Kape at Pinta sa BRD.”
Nakibahagi rin sa aktibidad ang mga kinatawan ng lokal na pamahalaan bilang suporta sa patuloy na pagsusulong ng sining at kultura sa lungsod.
Sa bawat hagod ng pintura at palitan ng kuwento, muling ipinakita na buhay at patuloy na umuunlad ang sining at kultura sa lungsod. |𝙞𝙛𝙢𝙣𝙚𝙬𝙨𝙙𝙖𝙜𝙪𝙥𝙖𝙣
Facebook Comments










