Local at National Elections Unity Walk at Prayer Rally, Ikinasa sa Nueva Vizcaya

Cauayan City, Isabela- Matagumpay na isinagawa ng Nueva Vizcaya Police Provincial Office (NVVPO) ang National and Local Elections Unity Walk and Interfaith Prayer Rally sa Bayombong, Nueva Vizcaya.

Pinangunahan mismo ni NVPPO Director PCol. Ranser Evasco ang naturang aktibidad kahapon, Nobyembre 19, 2021.

Kasama rin na nakiisa ang iba’t ibang sektor gaya ng relihiyon, institusyon, mga mag aaral at iba pang organisasyon bilang pagpapakita ng suporta sa aktibidad.


Layunin ng aktibidad na maging maayos, malinis na halalan at malayang makapili ang publiko ng lider na tutulong sa taumbayan.

Facebook Comments