Pumalo na sa mahigit 15,000 na lokal at overseas employment vacancies ang bukas para sa mga residente ng Rehiyon ng Ilocos sa Labor Day sa tatlong magkakaibang lokasyon.
Sa datos na ibinahagi ng Department of Labor and Employment (DOLE) Ilocos Region nasa 18, 499 na ang alok na trabaho sa May 1.
Isasagawa ang naturang Job and Business Fair sa Urdaneta City, Pangasinan; Tagudin Farmers Civic Center sa Tagudin, Ilocos Sur; at activity area sa San Nicolas, Ilocos Norte.
Nasa 7, 314 ang alok na trabaho sa Pangasinan, 5, 986 sa Ilocos Sur at 5, 199 sa Ilocos Norte.
Face-to-face o personal na ang job fair at pinayuhan ang mga aplikante na mahigpit na sumunod sa mga safety protocol, tulad ng pagsusuot ng face mask at pag-obserba ng physical distancing.
Ayon sa DOLE Region 1, magkakaroon ng coaching sessions ang mga pre-registered sa job fair at mabibigyan ng health kits at fast-lane access sa mga job search sites. | ifmnews
Facebook Comments