Sinisi ng isang lider ng simbahang Katoliko ang Philippine Financial Institutions sa nararanasang climate crisis.
Sa ginanap na 3rd Philippine Environment Summit, sinabi ni Bishop Gerardo Alminaza, kinatawan ng ‘Withdraw From Coal Campaign’, ang banks financing coal ay hindi lamang nagpapalala sa ‘climate crisis’ kundi pinahihirapan din nito maging ang mga coal-affected communities.
Aniya, sa halip na magbigay ng pondo para sa pagpapalawak ng ‘coal operations’ sa bansa, suportahan ang pag-unlad ng ‘renewable energy.’
Pinuri naman sa summit si Pangulong Rodrigo Duterte sa naging direktiba nito sa nakaraang State of the Nation Address na pagtuunan ang pag-unlad ng ‘renewable energy resources’ at huwag dumepende sa karbon.
Subalit, tila binabalewala umano ito ng iba’t-ibang sektor, kabilang ang finance industry at patuloy na sinusuportahan at pinopondohan ang karbon bilang ‘source’ ng enerhiya sa bansa.
Isang ng ‘petition letter’ ang nilagdaan ng daan-daang dumalo sa nasabing summit, kabilang si Bishop Antonio Ledesma ng Cagayan De Oro na umaapela sa Bank of the Philippine Islands o BPI.
Sa naturang bangko mayroong financial relations ang karamihan ng church organizations.