Local celebrities, kanya-kanya na ring kampanya para kay Rachel Peters

Manila, Philippines – Kanya-kanya na ring kampanya ang mga local celebrities para sa pambato ng Pilipinas na si Rachel Peters.

Kabilang sa mga nanawagan ng suporta sa nagpapatuloy na online voting ng 2017 Miss Universe si Anne Curtis, Maine Mendoza, Gretchen Ho, Jodi Sta. Maria, Pokwang, Vice Ganda at si Solenn Heussaff na nagsabing long lost twin niya si Rachel.

Kahapon ang huling preliminaries kung saan inirampa ng 93 kandidata ang kani-kanilang swimsuit at evening gown.


Noong weekend naman nang magpatalbugan sa kanilang national costume ang mga kandidata kung saan napa-wow ng Bicolana beauty ang mga hurado sa kanyang sarimanok-inspired costume na kulay gold.

Samantala, bukas pa rin ang online voting para sa Miss Universe.

Mag-log on lang sa vote.missuniverse.com o bumoto sa pamamagitan ng twitter at gamitin ang #missuniverse #philippines, o ang bansang nais iboto.

Tatagal ang online voting sa Sabado, November 25 kung saan otomatikong pasok sa top 15 ang kandidatang makakakuha ng pinakamaraming boto.

Facebook Comments