Puspusan ang paghahanda ng mga lokal na Disaster Risk Reduction and Management Offices sa bawat bayan sa Pangasinan dahil sa bagyo.
Sunod-sunod ang naging Pre-Disaster Risk Assessment ng mga lokal na pamahalaan katuwang ang iba pang ahensya sa pagtitiyak ng patuloy na pag-antabay at pagresponde sa pangangailangan ng kanilang mga nasasakupan.
Ilang bayan sa Pangasinan ang maaga nang nag-anunsyo ng kanselasyon ng klase sa lahat ng antas maging pasok sa mga pampublikong tanggapan sa susunod na linggo kung kailan inaasahang mararamdaman ang hagupit ng bagyo.
Layunin ng pagpupulong na masusing suriin ang mga posibleng hazard, tukuyin ang mga lugar na maituturing na high-risk, at makapaglatag ng mga kaukulang hakbang.
Binigyang-diin ang kahalagahan ng maagang koordinasyon at pagkakaisa ng bawat sektor sa gitna ng banta ng kalamidad.









