LOCAL EXPENDITURE PROGRAM NG LGU SAN FERNANDO CITY, LA UNION, INILATAG

Inilatag ng lokal na pamahalaan ng San Fernando City, La Union ang Local Expenditure Program na nakapaloob sa higit P1.2 billion na annual budget ngayong taon.

Sa bisa ng isang ordinansa, ilalaan ng tanggapan ang 52% para sa General Public Services Sector; 16% sa sektor ng Social Services; 28% sa Economic Service; at 4% sa Local Economic Enterprises.

Nasa P1,234,008,973.22 naman ang total available resources na binubuo ng external resources na nasa 77% habang 23% naman ang locally generated sources. Malaking bahagi ng pondo ay nagmumula sa palengke at ilan pang Negosyo tulad ng slaughterhouse, terminal at sementeryo.

Kaugnay nito, nanindigan ang tanggapan sa patuloy na pagpapatupad ng mga proyekto, programa at aktibidad tungo sa mas pag-unlad pa ng lungsod. |𝙞𝙛𝙢𝙣𝙚𝙬𝙨𝙙𝙖𝙜𝙪𝙥𝙖𝙣

Facebook Comments